Wednesday, February 20, 2008

DayBreak


This is my first blog.

I watched Daybreak last night at Robinson's Indie sine. Istorya ng isang doktor na may karelasyon na bangkero. Inabangan ko talaga ang pelikula, kasi tunay na sumasalamin siya ng buhay.

Madaming nanuod kagabi. pero ang habol ko ay makita kung masasalamin ba niya ang aking sariling buhay.

Si William (Paolo Rivero) ay magpapaalam na kay James (Coco Martin) dahil maninirahan na siya sa Australia. Typikal na nakatago sa closet ang kanyang character. Kimi, pilit na tinatago ang damdamin, pinagpipitaganang duktor, may pamilya at maayos ang estado sa buhay. Nakita ko rin na sa nakatago niyang pagkatao natagpuan niya si James na isang bangkero - matipuno, balingkinitan ang katawan, mas bata, mukhang salat sa buhay at lalaki. Si pelikula nabanggit na umabot na rin ng mahigit na isang taon ang kanilang pagsasama at hindi nila binabanggit na mahal nila ang isa't isa. Pero kita mo sa paraan ng kanilang kilos, pagtitinginan at haplos that they really love each other. Hindi ko na babanggitin ang sex scenes, pero it seemed so real.
From the title itself, talagang isang magdamag lang ang pelikula. Natapos siya na parang hindi tapos, siguro sa sobrang makatotohanan ng pelikula nasalamin niya talaga ang katotohanan...... na hindi natatapos ang buhay sa isang magdamag. Ang nakita kong posibilidad na pwedeng magmahal ang lalaki (Coco) ng mas higit pa sa isa (Paolo) na sa mata ng lipunan ay aakalaing kabaligtaran ay maari ring mangyari.
Ako, bilang nakatago sa mata ng lipunan, ay sobrang nakadama ng lungkot. Ang paggannap ni Coco Martin at Paolo Rivero ay tunay na kamanghamangha. Ang kanilang halik ng pananabik, ngiti ng pag-ibig, luha ng paglisan at lungkot ng pag-iisa ay talagang nakita sa screen.
Congratulations sa mga gumawa ng pelikulang ito. Ang buhay ng isang tao na tulad ko, nakatago upang mapanatili ang "normal" na takbo ng buhay, ay sadyang kakaiba. Ito ang aking unang blog. Mananatili ang Lihim ni Adan.......

No comments: